🗓️ Araw ng Kapistahan: Disyembre 12
🛡️ Patron ng: Mga Buntis, Buong Americas, at ng Mga Unborn
💡 #AlamMoBa
🌹 Nagpakita ang Birhen kay San Juan Diego sa Tepeyac Hill noong 1531.
🌹 Ang kanyang larawan ay nasa tilma na hindi pa rin nasisira matapos ang halos 500 taon.
🌹 Ang bulaklak na hatid ni Juan Diego ay Castilian roses na hindi tumutubo sa Mexico noong panahong iyon.
Ang Kuwento
Noong 1531 sa Mexico, nakakita si San Juan Diego ng isang napakaliwanag na babae sa Tepeyac Hill. Ipinakilala niya ang sarili bilang Ina ng mundo at hiniling na magpatayo ng simbahan sa lugar na iyon upang maipakita niya ang pagmamahal ng Diyos sa lahat.
Sinabi ito ni Juan Diego sa obispo ngunit humingi ang obispo ng patunay. Muling nagpakita ang Mahal na Ina at inutusan si Juan Diego na pumitas ng mga bulaklak sa tuktok ng bundok kahit taglamig noon. Nang ibigay niya ang mga bulaklak, bumagsak ang mga ito mula sa tilma at lumitaw ang milagrosong larawan ng Birhen ng Guadalupe. Dahil dito naniwala ang obispo at itinayo ang simbahan.
Hanggang ngayon milyon-milyong tao ang bumibisita sa kanya bilang tanda ng kanilang pananampalataya.
👧🏽👦🏽 Munting Gawain
Gumuhit ng maliit na tilma at ilagay ang isang bagay o salita na nagrerepresenta ng pagmamahal ng Diyos na gusto mong ipaalala sa sarili mo araw araw.
🙏 Manalangin Tayo
♱ Birhen ng Guadalupe gabayan mo kami upang maging mas mapagmahal, mas masunurin kay Hesus, at mas maawain sa aming kapwa. Tulungan mo kaming magtiwala sa Diyos araw araw.