🗓️ Araw ng Kapistahan: Ikatlong Linggo ng Enero (January 18 ngayong 2026)
🛡️ Patron: mga bata, Lungsod ng Cebu at ng sambayanang Pilipino
💡 #AlamMoBa
- Ang imahen ng Santo Niño ay dinala sa Cebu noong 1521 at itinuturing na pinakamatandang Kristiyanong imahen sa Pilipinas.
- Natagpuan muli ang imahen noong 1565 sa lugar kung saan itinayo ang Basilica Minore del Santo Niño, kaya lalo itong naging sentro ng debosyon.
- Ang Sinulog Festival ay taunang pagdiriwang na iniaalay sa Santo Niño bilang pasasalamat at papuri.
Ang Santo Niño ay ang Batang Hesus, paalala na ang Diyos ay dumating sa atin nang may kababaang-loob. Sa Kanyang pagkabata, ipinapakita Niya na ang tunay na lakas ay nasa pagtitiwala sa Ama at sa paggawa ng kabutihan. Ang debosyon sa Santo Niño ay kinilala at pinalago ng Simbahan sa paglipas ng panahon bilang tulay ng pananampalataya ng mga Pilipino.
👦🏽👧🏽 Munting Gawain
✅ I-download ang KatoLago LiturgyFun worksheet at sagutan ito bilang paghahanda sa Kapistahan ng Santo Niño.
✅ Ayain ang buong pamilya na magsimba at mag-alay ng dasal bilang pasasalamat at tiwala sa Santo Niño.
✅ Isipin kung paano ka makakatulong sa nangangailangan, kahit sa simpleng paraan na kayang gawin ng isang bata.

🙏 Manalangin tayo…
+ O, BANAL NA SANGGOL, Diyos na Makapangyarihan at bukal ng mga biyaya, kami ay naninikluhod sa Iyong harapan.
Buong puso kaming sumasamba at nagsisisi sa aming mga kasalanan. Iniaalay namin sa Iyo ang aming sarili. Itulot Mo na kami ay matulad sa Iyong Kabanalan. Gawin Mo kaming maamo, mababa ang loob, matiisin, malinis, maunawain sa kapwa at masunurin sa kalooban Mo.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan Mo, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen!
O, BANAL NA SANGGOL, KAAWAAN MO PO KAMI! VIVA! PIT SEÑOR!
📚 Sanggunian
- Vatican.va
- CatholicNewsAgency.com
- FranciscanMedia.org
- Catholic.org
Maligayang Kapistahan ng Santo Niño! Viva Pit Señor! 🎉💙