๐๏ธ Araw ng Kapistahan: Disyembre 8
๐ก #alammoba na bagamat ang imahe ng Immaculate Conception ay si Inang Maria, ang kapistahang ito ay hindi patungkol sa pagbubuntis niya kay Hesus kundi ang pagbubuntis sa kanya ni Santa Ana. Kung bibilangin ang siyam na buwan mula ngayon ay tatapat ito mismo sa birthday ni Mama Mary sa September 8.
Ang Feast of the Immaculate Conception ay isa sa mga itinuturing na mahahalagang araw sa Simbahang Katolika. Ginugunita natin ngayon ang paniniwalang si Birheng Maria ay ipinaglihi nang walang bahid ng orihinal na kasalanan o original sin. Itinuturo ng Simbahan na mula sa unang sandali ng kanyang buhay, siya ay iningatan na siya ng Diyos at ginawang ganap na malinis upang maging karapat-dapat na Ina ng Panginoong Hesus. Ang araw na ito ay Holy Day of Obligation na nagpapaalala sa natatanging papel ni Maria sa plano ng kaligtasan.
๐ง๐ฝ๐ฆ๐ฝ Gawain
โ Magdasal ng Rosaryo at ialay ito para kay Mama Mary at kapayapaan ng mundo
โ Sabihin kay Mama o Papa ang isang bagay na ipinagpapasalamat mo kay Maria.
โ Magsimba dahil ngayon ay holy day of obligation.
๐ Manalangin Tayo
O Mahal naming ina, tulungan mo sa kaming magkaroon ng pusong malinis at masunurin sa Diyos. Nawa’y tulad mo kami’y maging mabait, mapagpatawad, at mapagmahal sa aming kapwa. Amen.
๐ Sanggunian