Araw ng Kapistahan: Nov 1
💡 #AlamMoBa na ang salitang “Halloween” ay nanggaling sa katagang “All Hallows’ Eve,” na ang ibig sabihin ay Bisperas ng Araw ng mga Banal? Ang “Hallow” ay hango sa salitang “Holy” o Banal, kaya hindi ito dapat ginagawang kakatakutan!

Ang Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal o All Saints’ Day, na ginaganap tuwing Nobyembre 1, ay isang dakilang kapistahan ng Simbahang Katolika. Ito ay araw para parangalan at pasalamatan ang lahat ng mga santo—silang mga bayani ng pananampalataya na nasa langit na kasama ng Diyos.
Sila ay mga kaibigan ni Hesus na nagbigay ng magandang halimbawa kung paano magmahal sa Diyos at sa kapwa. Sa pag-aaral ng buhay ng mga santo at pagsubok na isabuhay ang kanilang mga magagandang gawa at halimbawa, mas napapalapit tayo sa Panginoon.
👦🏽👧🏽 Munting Gawain
✅ Magsimba kasama ang pamilya.
✅ Magdasal ng Rosaryo bilang pamilya para pagnilayan ang buhay ni Hesus tulad ni Maria, Reyna ng mga Santo.
✅ Gumawa ng mabuting gawain , tulad ng pagtulong sa gawaing bahay, pagkumusta sa may sakit, o pag-abot ng simpleng miryenda sa nagugutom.


✅ Sa November 1, huwag tayong magbihis ng mga kakatakutan at lumahok sa mga “trick or treat”, mas mainam na magbihis tayo tulad ng ating paboritong santo upang sila’y parangalan.

🙏 Manalangin Tayo…
+ Mahal na Diyos, salamat sa buhay ng lahat ng mga Banal na nagsilbing liwanag at inspirasyon sa amin. Tulungan po Ninyo kaming tularan ang kanilang kabanala, upang balang araw ay makasama rin po namin Kayo sa langit. Amen.
📚 Sanggunian
Catholic Encyclopedia – All Saints’ Day: https://www.newadvent.org/cathen/01315a.htm
USCCB – All Saints Day: https://www.usccb.org/prayers/all-saints-day
EWTN – All Saints Day: https://www.ewtn.com/catholicism/seasons-and-feasts/all-saints-day-2070