Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos.” Tumugon ang Panginoon, “Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, “Mabunot ka, at matanim sa dagat” at tatalima ito sa inyo.
“Ipalagay nating kayo’y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, ‘Halika at nang makakain ka na’? Hindi.’ Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako’y kumakain. Kumain ka pagkakain ko.’ Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayun din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sasabihin ninyo, ‘Kami’y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
🙇🏽♂️ Ating Karanasan
Marunong ka ba magbisikleta? O kaya balikan mo ang isang bagay na bagong mong natutuhan. Noong una, baka natatakot ka pang sumubok… nanginginig at baka masemplang. Pero kahit sa una ay wala kang tiwala sarili, tinulungan ka ng iyong magulang, kapatid, o guro. Unti-unti, natututo ka, hanggang sa dumating ang araw na kaya mo nang magpedal mag-isa o gawin ang bagay na iyong natutuhan ng mahusay. Paano ito maihahalintulad sa pananampalataya?🍎 Huwag kalimutang i-download at sagutan ang LiturgyFun worksheet para sa linggong ito!
📖 Kwento ni Hesus
Hiniling ng mga apostol ni Hesus na lumaki ang kanilang pananampalataya. Sumagot si Hesus na kahit maliit lang na tulad ng butil ng mustasa, kaya nitong gumawa ng himala! Tinuro din Niya na kapag tayo’y naglingkod, gawin natin ito nang may kababaang-loob, hindi para magyabang, kundi dahil ito ang tamang gawin bilang mga anak ng Diyos.
“Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, ‘Mabunot ka, at matanim sa dagat’ at tatalima ito sa inyo.” (Lucas 17:6)
🔍 Balikan ang Sarili
Ano ang mga simpleng bagay na pwede kong gawin araw-araw para mas lumaki at tumibay ang pananampalataya ko kay Hesus?
🌟 Aral ni Hesus
Ang turo ni Hesus ay simple pero napakalalim: mula sa simple at maliit na pananampalataya ay magiging malaki at malalim ito.
🌱Maliit pero makapangyarihan. Tulad ng butil ng mustasa na napakaliit, ang ating pananampalataya ay kayang magdulot ng dakilang bagay. Kapag ang isang bata ay taimtim na nananalangin lalo na para sa kapwa, napakalaki nito para sa mata ng Diyos.
🌱Pananampalataya at kababaang-loob. Tinuturuan tayo ni Hesus na maglingkod nang tapat at tahimik, hindi para ipagmalaki sa kapwa, kundi dahil ito ang nararapat bilang anak ng Diyos. Isipin ang isang bata na tumutulong sa gawaing bahay kahit walang nakakakita. Mas nakakatuwa ito sa kanilang magulang dahil hindi na siya kailangan utusan.
🌱Maglingkod nang may kagalakan. Ang kasiyahan ng pananampalataya ay nagmumula sa pagkakaalam na nakatulong tayo at nakibahagi sa mga plano ng Diyos. Tunay na masarap sa pakiramdam ang makita ang ngiti ng taong iyong tinulungan dahil naging daluyan ka ng pagpapala sa iba.
🤗Gawa
Sikaping palagauin ng unti unti ang pananampalataya, gawin ang mga susmusunod ngayong linggo:
✅ Magdasal araw-araw, kahit maikli lang, para palakasin ang tiwala sa Diyos.
✅ Gumawa ng kabutihan nang tahimik at hindi naghihintay ng kapalit.
✅ Magbasa ng isang talata mula sa Biblia ngayong linggo at isipin kung ano ang itinuturo nito.
🍎 Palalimin natin ang ating pagkakaunawa sa Ebanghelyo ngayong linggo kasama si Kuya Eric Steven Terraña, Youth Coordinator ng San Raphael Archangel Parish mula sa Apostolic Vicariate of Mindoro ❤️
Maraming salamat sa mga ka-partner natin sa Pontifical Mission Societies Philippines 🤲
🍎 Huwag kalimutang i-download at sagutan ang LiturgyFun worksheet para sa linggong ito!

🙏 Panalangin
♱ Panginoong Hesus, salamat po sa regalong pananampalatayang itinanim mo sa aking puso. Tulungan mo akong palaguin ito araw-araw, kahit maliit lang, upang magawa ko ang mga bagay na nakapagpapaligaya sa Iyo. Amen.