Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Seduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
📖 Kuwento ni Hesus
Nakamamangha ang paglipad ng mga ibon dahil sa mabilis na pagpagaspas ng kanilang mga pakpak ay malaya silang nakatutuktok sa malawak na langit. Tulad ng mga ibon, binigyan din tayo ng mga espirituwal na pakpak ng Panginoon upang makalipad tayo nang mataas patungo sa Kanya. Ang kaliwang bahagi ng ating pakpak ay ang kautusang ibigin Siya nang higit sa lahat, at ang kanang bahagi naman ay ang pag-ibig sa ating kapwa tulad ng sa ating sarili. Bakit nga ba napakahalagang magkasama ang dalawang pakpak na ito at paano natin ito gagamitin sa ating buhay?
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.” Mateo 22:37
🙇🏽♂️ Ating Karanasan
Nakamamangha ang paglipad ng mga ibon dahil sa mabilis na pagpagaspas ng kanilang mga pakpak ay malaya silang nakatutuktok sa malawak na langit. Tulad ng mga ibon, binigyan din tayo ng mga espirituwal na pakpak ng Panginoon upang makalipad tayo nang mataas patungo sa Kanya. Ang kaliwang bahagi ng ating pakpak ay ang kautusang ibigin Siya nang higit sa lahat, at ang kanang bahagi naman ay ang pag-ibig sa ating kapwa tulad ng sa ating sarili. Bakit nga ba napakahalagang magkasama ang dalawang pakpak na ito at paano natin ito gagamitin sa ating buhay?
🔍 Balikan ang Sarili
Paano ko maipapakita ang aking pagmamahal sa Diyos at sa aking kapwa sa araw-araw?
🌟 Aral ni Hesus
Ang Diyos ang unang nagmahal sa atin at patuloy niya tayong pinagpapala araw-araw. Dahil dito, inaanyayahan niya tayong mahalin siya at ibahagi ang kanyang pagmamahal sa ating kapwa.
💛 Mahalin natin ang Diyos nang buong puso. Ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos kapag tayo ay nagdarasal, nagsisimba, at sumusunod sa kanyang mga utos. Kapag inuuna natin si Kuya Hesus sa ating mga desisyon at gawain, lalo tayong napapalapit sa kanya.
💛 Mahalin natin ang ating kapwa tulad ng ating sarili. Ang pagmamahal sa Diyos ay nakikita sa paraan ng ating pakikitungo sa iba. Kapag tayo ay mabait, matulungin, at marunong magbahagi sa ating pamilya, kaibigan, at kaklase, naipapakita natin ang pag-ibig ng Diyos.
💛 Isabuhay natin ang pag-ibig sa ating mga salita at gawa. Hindi sapat na sabihin lamang na mahal natin ang Diyos at ang ating kapwa. Kapag tayo ay nagpapatawad, nag-aalaga sa may sakit, at gumagawa ng mabuti kahit walang nakakakita, nagiging buhay ang ating pananampalataya.
👦🏽👧🏽 Munting Gawain
✅ Magpakita ng pagmamahal sa magulang sa pamamagitan ng pag-abot ng isang basong tubig o tsaa sa kanila pag-uwi galing trabaho.
✅ Anyayahan sa inyong laro ang isang kaklase o kapitbahay na madalas na walang kasama o nakikitang nag-iisa.
✅ Gumawa ng “two wings of love” checklist: isang gawa para kay God at isang gawa para sa kapwa ngayong araw.
🍎 Huwag kalimutang i-download at sagutan ang LiturgyFun worksheet para sa linggong ito!

🙏 Panalangin
♱ Kuya Hesus, maraming salamat po sa walang-hanggang pag-ibig na ipinadarama Mo sa amin sa bawat sandali. Bigyan Mo po kami ng malalakas na pakpak ng pananampalataya upang mahalin Ka namin nang buong puso at mapaglingkuran ang aming kapwa nang may kagalakan. Amen.