Alam mo ba na ang Rosaryo ay parang gabay upang masaksihan natin ang iba’t ibang tagpo sa buhay ni Maria at ni Hesus? Tinatawag itong “buod ng Ebanghelyo” (Rosarium Virginis Mariae, 18), dahil pinapaalala nito sa atin ang buhay, pagkamatay, at pagkabuhay na muli ni Hesus.
Bakit Mahalaga ang Rosaryo?
🌹 Paglapit kay Hesus sa pamamagitan ni Maria. Habang inuulit natin ang “Aba Ginoong Maria,” tinuturuan tayo ni Maria na mahalin si Hesus tulad ng pagmamahal niya. (CCC 2678)
🌹Pagmumuni-muni sa Misteryo ng Buhay ni Kristo. Sa bawat Misteryo (Joyful, Luminous, Sorrowful, Glorious), napagninilayan natin ang mga mahahalagang bahagi ng buhay ni Hesus. (CCC 2708)
🌹Pagdadala ng Kapayapaan at Pag-asa. Sabi ni Papa St. John Paul II, ang Rosaryo ay panalangin para sa kapayapaan at pamilya. Kapag sabay-sabay nating dinarasal, pinagtitibay nito ang ating pananampalataya at pagkakaisa. (Rosarium Virginis Mariae, 39–41)
🤲 Gawa
- Subukang magdasal ng isang dekada ng Rosaryo araw-araw bago matulog.
- Ialay ang bawat Misteryo para sa isang taong nangangailangan ng tulong o panalangin.
- Magdasal ng Rosaryo kasama ang pamilya kahit isang beses sa isang linggo.
Gabay sa Ingles


Gabay sa Tagalog


🖨️ Maaari din i-download ang PDF file dito 👇
📚 Sanggunian:
Catechism of the Catholic Church, 971, 2678, 2708
Pope St. John Paul II, Rosarium Virginis Mariae (2002)
Compendium of the Catechism of the Catholic Church, 198–199