πͺβ€οΈ ππ«ππ° π§π π¦π π πππππ² | Saludo kami sa aming mga Tatay, Papa, Itay, Daddy at Tatang! Kayo ang haligi ng tahanan, tagapagtanggol ng pamilya, at unang guro ng kabutihan at pananampalataya. Maraming salamat po sa inyong tiyaga, lambing, lakas at wagas na pagmamahal! β€οΈπ
π Panalangin para sa mga Tatay
β± Ama naming Diyos, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa kaloob Mong haligi ng aming tahanan, ang aming mga tatay. Salamat po sa kanilang wagas na pagmamahal, pag-aaruga, pagtatanggol, at pagtitiyagang itaguyod ang aming kinabukasan. Idinadalangin po naming panatilihin Ninyo silang malusog, malakas ang katawan, at may pusong laging masaya at bukas sa Inyong biyaya. Gabayan po Ninyo sila sa bawat pasya, at patatagin sa oras ng pagsubok at kahinaan. Hinihiling namin ito sa ngalan ng Inyong Anak na si Hesus. Amen.
π€² Gawa
β Yakapin ang tatay nβyo ngayon at sabihing: βSalamat po, Pa!β π
β Ipanalangin si tatay, hindi lang ngayong araw ng mga tatay kundi araw-araw ng kanilang buhay
#BidaSiTatay #ArawNgMgaAma #KatoLago