Nobena sa Espiritu Santo


🕊️ Halina mga bata! Para sa nalalapit na Linggo ng Pentekostes na siyang kaarawan din ng ating Simbahan — tayo’y mag-nobena sa Espiritu Santo. Sa loob ng 9 na araw ay hilingin natin ang alab ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng iba’t ibang regalong handog ng Espiritu Santo sa ating buhay. 🔥🔥


🔥 Day 1: Pagkakawanggawa (Charity)

Lumuhod tayo nang may kababaang-loob sa harap ng kapangyarihan at kadakilaan ng Banal na Espiritu. Purihin natin ang Banal na Santatlo. Magpasalamat tayo sa Banal na Espiritu, ang ating Paraclete— kaagapay, kaibigan at tagapagtanggol.

O banal na Espiritu, dahil sa Iyong kapangyarihan, si Hesus ay muling nabuhay upang iligtas ang sambayanan. Dahil sa Iyong biyaya, may mga himalang nangyayari sa Kanyang banal na Ngalan. Dahil sa Iyong pag-ibig, kami’y nailalayo sa tukso at kasamaan.

🤲 Kaya’t kami’y lumalapit sa Iyo na may pusong mapagpakumbaba, turuan mo kaming magmahal sa aming kapwa tulad ni Hesus—hindi pumipili, hindi nananakit, at laging handang tumulong. Buksan mo ang aming puso at gawing mapagkawanggawa na masayang magbahagi sa lahat ng nangangailangan.

🕊️ Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal… Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay’y muling magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.

🙏 Manalangin tayo…

O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa’y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami’y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.



🔥 Day 2: Galak (Joy)

Lumuhod tayo nang may kababaang-loob sa harap ng kapangyarihan at kadakilaan ng Banal na Espiritu. Purihin natin ang Banal na Santatlo. Magpasalamat tayo sa Banal na Espiritu, ang ating Paraclete— kaagapay, kaibigan at tagapagtanggol.

O banal na Espiritu, dahil sa Iyong kapangyarihan, si Hesus ay muling nabuhay upang iligtas ang sambayanan. Dahil sa Iyong biyaya, may mga himalang nangyayari sa Kanyang banal na Ngalan. Dahil sa Iyong pag-ibig, kami’y nailalayo sa tukso at kasamaan.

🤲 Kaya’t kami’y lumalapit sa Iyo na may pusong mapagpakumbaba, punuin mo ang puso namin ng galak. Ang lahat ng mga Santo ay may marka ng hindi magmamaliw na kagalakan sa gitna ng pagsubok, hirap at pasakit. O mahal na Espiritu Santo, biyayaan mo kami ng ganap mong kagalakan nang kami’y maging saksi sa iyong pagmamahal at katapatan. Amen.

🕊️ Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal… Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay’y muling magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.

Manalangin tayo…

O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa’y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami’y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.



🔥 Day 3: Kapayapaan (Peace)

Lumuhod tayo nang may kababaang-loob sa harap ng kapangyarihan at kadakilaan ng Banal na Espiritu. Purihin natin ang Banal na Santatlo. Magpasalamat tayo sa Banal na Espiritu, ang ating Paraclete— kaagapay, kaibigan at tagapagtanggol.

O banal na Espiritu, dahil sa Iyong kapangyarihan, si Hesus ay muling nabuhay upang iligtas ang sambayanan. Dahil sa Iyong biyaya, may mga himalang nangyayari sa Kanyang banal na Ngalan. Dahil sa Iyong pag-ibig, kami’y nailalayo sa tukso at kasamaan.

🤲 Kaya’t kami’y lumalapit sa Iyo na may pusong mapagpakumbaba, punuin mo ang puso namin ng kapayapaan. Ang mga Santo ma’y tinukso ng demonyo na sumisira ng kapayapaan. Kung kami’y maharap sa kanya, ipagtanggol mo po kami at biyayaan ng kapayapaan sa gitna ng lahat ng pagsubok. Amen.

🕊️ Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal… Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay’y muling magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.

Manalangin tayo…

O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa’y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami’y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


🔥 Day 4: Pagkamatiisin (Patience)

Lumuhod tayo nang may kababaang-loob sa harap ng kapangyarihan at kadakilaan ng Banal na Espiritu. Purihin natin ang Banal na Santatlo. Magpasalamat tayo sa Banal na Espiritu, ang ating Paraclete— kaagapay, kaibigan at tagapagtanggol.

O banal na Espiritu, dahil sa Iyong kapangyarihan, si Hesus ay muling nabuhay upang iligtas ang sambayanan. Dahil sa Iyong biyaya, may mga himalang nangyayari sa Kanyang banal na Ngalan. Dahil sa Iyong pag-ibig, kami’y nailalayo sa tukso at kasamaan.

🤲 Kaya’t kami’y lumalapit sa Iyo na may pusong mapagpakumbaba, gawin mo kaming matiisin. Sa gitna ng mga pagsubok sa aming buhay, panatilihin Mo kaming matatag, upang huwag kaming mahulog sa tuksong sumuko at magkasala— dahil madalas, mas madali ang sumuko kaysa magtiis ng sakit sa halip na gumawa ng tama.

🕊️ Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal… Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay’y muling magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.

Manalangin tayo…

O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa’y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami’y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


🔥 Day 5: Kabutihang Loob (Kindness)

Lumuhod tayo nang may kababaang-loob sa harap ng kapangyarihan at kadakilaan ng Banal na Espiritu. Purihin natin ang Banal na Santatlo. Magpasalamat tayo sa Banal na Espiritu, ang ating Paraclete— kaagapay, kaibigan at tagapagtanggol.

O banal na Espiritu, dahil sa Iyong kapangyarihan, si Hesus ay muling nabuhay upang iligtas ang sambayanan. Dahil sa Iyong biyaya, may mga himalang nangyayari sa Kanyang banal na Ngalan. Dahil sa Iyong pag-ibig, kami’y nailalayo sa tukso at kasamaan.

🤲  Kaya’t kami’y lumalapit sa Iyo na may pusong mapagpakumbaba, bigyan Mo po kami ng mabuting kalooban. Hinarap ni Hesus ang mga makasalanan nang may ganap na kabutihang loob. Banal na Parakleto, kami rin na mga makasalanan ay lumuluhod sa Iyong harapan. Harapin Mo nawa kami nang may gayunding kabutihang-loob, at pagkalooban Mo kami ng grasyang maipadama rin ito sa iba. Amen.

🕊️ Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal… Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay’y muling magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.

Manalangin tayo…

O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa’y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami’y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


🔥 Day 6: Katapatan (Faithfulness)

Lumuhod tayo nang may kababaang-loob sa harap ng kapangyarihan at kadakilaan ng Banal na Espiritu. Purihin natin ang Banal na Santatlo. Magpasalamat tayo sa Banal na Espiritu, ang ating Paraclete— kaagapay, kaibigan at tagapagtanggol.

O banal na Espiritu, dahil sa Iyong kapangyarihan, si Hesus ay muling nabuhay upang iligtas ang sambayanan. Dahil sa Iyong biyaya, may mga himalang nangyayari sa Kanyang banal na Ngalan. Dahil sa Iyong pag-ibig, kami’y nailalayo sa tukso at kasamaan.

🤲 Kaya’t kami’y lumalapit sa Iyo na may pusong mapagpakumbaba, bigyan Mo po kami ng katapatan. O Panginoon, Ikaw ay tapat sa amin magpakailanman! Kahit kami’y nakakalimot at mahina, bigyan Mo po kami ng lakas para manumbalik sa Iyo.

🕊️ Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal… Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay’y muling magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.

Manalangin tayo…

O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa’y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami’y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


🔥 Day 7: Kahinahunan (Gentleness)

Lumuhod tayo nang may kababaang-loob sa harap ng kapangyarihan at kadakilaan ng Banal na Espiritu. Purihin natin ang Banal na Santatlo. Magpasalamat tayo sa Banal na Espiritu, ang ating Paraclete— kaagapay, kaibigan at tagapagtanggol.

O banal na Espiritu, dahil sa Iyong kapangyarihan, si Hesus ay muling nabuhay upang iligtas ang sambayanan. Dahil sa Iyong biyaya, may mga himalang nangyayari sa Kanyang banal na Ngalan. Dahil sa Iyong pag-ibig, kami’y nailalayo sa tukso at kasamaan.

🤲 Kaya’t kami’y lumalapit sa Iyo na may pusong mapagpakumbaba, biyayaan niyo po kami ng kahinahunan. Sa kabila ng bigat ng aming mga pagkakasala, mahinahon Mo pa rin kaming tinatanggap sa Iyong mapagkalingang yakap, kung ang kasalana’y taos puso naming pinagsisisihan. Nawa’y matutunan din naming maging mahinahon sa pagtanggap ng anumang pagsubok o masamang sitwasyon sa aming buhay.

🕊️ Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal… Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay’y muling magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.

Manalangin tayo…

O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa’y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami’y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


🔥 Day 8: Pagtitimpi (Self-Control)

Lumuhod tayo nang may kababaang-loob sa harap ng kapangyarihan at kadakilaan ng Banal na Espiritu. Purihin natin ang Banal na Santatlo. Magpasalamat tayo sa Banal na Espiritu, ang ating Paraclete— kaagapay, kaibigan at tagapagtanggol.

O banal na Espiritu, dahil sa Iyong kapangyarihan, si Hesus ay muling nabuhay upang iligtas ang sambayanan. Dahil sa Iyong biyaya, may mga himalang nangyayari sa Kanyang banal na Ngalan. Dahil sa Iyong pag-ibig, kami’y nailalayo sa tukso at kasamaan.

🤲 Kaya’t Kami’y lumalapit sa Iyo na may pusong mapagpakumbaba—gawin Mo po kaming mapagtimpi. Buong pusong hinarap ng iyong mga martir ang pananakit at kamatayan, at hindi tumalikod sa pagkakataong makapiling Ka sa Langit. Ipagkaloob Mo rin po sa amin ang biyayang ito, upang mapangibabawan namin ang aming damdamin at pagnanasa, at nang mas buong puso Ka naming mapaglingkuran. Amen.

🕊️ Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal… Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay’y muling magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.

Manalangin tayo…

O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa’y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami’y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


🔥 Day 9: Kabutihan (Goodness)

Lumuhod tayo nang may kababaang-loob sa harap ng kapangyarihan at kadakilaan ng Banal na Espiritu. Purihin natin ang Banal na Santatlo. Magpasalamat tayo sa Banal na Espiritu, ang ating Paraclete— kaagapay, kaibigan at tagapagtanggol.

O banal na Espiritu, dahil sa Iyong kapangyarihan, si Hesus ay muling nabuhay upang iligtas ang sambayanan. Dahil sa Iyong biyaya, may mga himalang nangyayari sa Kanyang banal na Ngalan. Dahil sa Iyong pag-ibig, kami’y nailalayo sa tukso at kasamaan.

🤲 Kaya’t kami’y lumalapit sa Iyo na may pusong mapagpakumbaba—punuin mo ang aming mga puso ng kabutihan. Nais naming maging katulad ng Iyong mga Santo sa Langit. O Espiritu Santo, pagpanibaguhin Mo po kami sa pamamagitan ng Iyong kapangyarihan at kabutihan, upang maihatid namin ang Mabuting Balita sa buong mundo. Amen.

🕊️ Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal… Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay’y muling magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.

Manalangin tayo…

O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa’y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami’y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


📚 Sanggunian:

https://ascensionpress.com/pages/novena-to-the-holy-spirit

NilayGabay

Ika-4 na Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay | Kapistahan ng Mabuting Pastol

Ikatlong Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ikalawang Linggo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay