🕊️ Halina’t lumapit tayo kay Santa Clara!
Mga bata, sabay-sabay tayong mag-alay ng Nobena kay Santa Clara bilang paghahanda sa kanyang kapistahan. Sama-sama tayong humiling ng kabutihan, katahimikan, at pananampalataya sa Diyos sa tulong ng isang banal na kaibigan ni Hesus. 🙏

Day 1 – Pananampalataya
+ Santa Clara, kaibigan ni Hesus at banal na anak ng Simbahan,
tinuruan mo kaming mahalin si Hesus nang buong puso. Tulungan mo kaming maging mabait, madasalin, at mapagpakumbaba gaya Mo. Ilapit mo po ang aming panalangin sa Panginoon. Amen.
Mahal na Santa Clara, turuan Mo akong maniwala kay Hesus kahit hindi ko Siya nakikita.Tulungan Mo akong magtiwala sa Kanya sa lahat ng oras.
Santa Clara, banal at mahimalang tagapamagitan, isinasamo ko sa iyo, na kamtin mo para sa akin—mula kay Hesus at sa pamamagitan din ni Maria na Kanyang Mahal na Ina—ang biyayang taimtim kong ipinamamanhik sa iyo: (Banggitin ang iyong kahilingan dito)
Hinihiling ko ito alang-alang sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at sa kapakinabangan ng aking kaluluwa. Amen.
Santa Clara ng Assisi, ipanalangin mo kami.

Day 2 – Panalangin
+ Santa Clara, kaibigan ni Hesus at banal na anak ng Simbahan,
tinuruan mo kaming mahalin si Hesus nang buong puso. Tulungan mo kaming maging mabait, madasalin, at mapagpakumbaba gaya Mo. Ilapit mo po ang aming panalangin sa Panginoon. Amen.
Mahal na Santa Clara, ikaw ay laging nananalangin sa Diyos.
Turuan Mo rin akong magdasal araw-araw, masaya man ako o malungkot.
Santa Clara, banal at mahimalang tagapamagitan, isinasamo ko sa iyo, na kamtin mo para sa akin—mula kay Hesus at sa pamamagitan din ni Maria na Kanyang Mahal na Ina—ang biyayang taimtim kong ipinamamanhik sa iyo: (Banggitin ang iyong kahilingan dito)
Hinihiling ko ito alang-alang sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at sa kapakinabangan ng aking kaluluwa. Amen.
Santa Clara ng Assisi, ipanalangin mo kami.

Day 3 – Kababaang-loob
+ Santa Clara, kaibigan ni Hesus at banal na anak ng Simbahan,
tinuruan mo kaming mahalin si Hesus nang buong puso. Tulungan mo kaming maging mabait, madasalin, at mapagpakumbaba gaya Mo. Ilapit mo po ang aming panalangin sa Panginoon. Amen.
Mahal na Santa Clara, kahit ikaw ay banal, nanatili ang iyong kababaang-loob.
Tulungan Mo akong maging mapagkumbaba at hindi mapagmalaki.
Santa Clara, banal at mahimalang tagapamagitan, isinasamo ko sa iyo, na kamtin mo para sa akin—mula kay Hesus at sa pamamagitan din ni Maria na Kanyang Mahal na Ina—ang biyayang taimtim kong ipinamamanhik sa iyo: (Banggitin ang iyong kahilingan dito)
Hinihiling ko ito alang-alang sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at sa kapakinabangan ng aking kaluluwa. Amen.
Santa Clara ng Assisi, ipanalangin mo kami.

Day 4 – Pagbabahagi
+ Santa Clara, kaibigan ni Hesus at banal na anak ng Simbahan,
tinuruan mo kaming mahalin si Hesus nang buong puso. Tulungan mo kaming maging mabait, madasalin, at mapagpakumbaba gaya Mo. Ilapit mo po ang aming panalangin sa Panginoon. Amen.
Mahal na Santa Clara, iniwan mo ang yaman para sumunod kay Hesus.
Turuan mo akong maging mapagbigay at magbahagi ng laruan, pagkain, at oras sa kapwa.
Santa Clara, banal at mahimalang tagapamagitan, isinasamo ko sa iyo, na kamtin mo para sa akin—mula kay Hesus at sa pamamagitan din ni Maria na Kanyang Mahal na Ina—ang biyayang taimtim kong ipinamamanhik sa iyo: (Banggitin ang iyong kahilingan dito)
Hinihiling ko ito alang-alang sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at sa kapakinabangan ng aking kaluluwa. Amen.
Santa Clara ng Assisi, ipanalangin mo kami.

Day 5 – Katahimikan
+ Santa Clara, kaibigan ni Hesus at banal na anak ng Simbahan,
tinuruan mo kaming mahalin si Hesus nang buong puso. Tulungan mo kaming maging mabait, madasalin, at mapagpakumbaba gaya Mo. Ilapit mo po ang aming panalangin sa Panginoon. Amen.
Mahal na Santa Clara, nagustuhan mo ang tahimik na buhay kasama si Hesus.
Tulungan mo akong pahalagahan ang katahimikan para makinig sa Diyos.
Santa Clara, banal at mahimalang tagapamagitan, isinasamo ko sa iyo, na kamtin mo para sa akin—mula kay Hesus at sa pamamagitan din ni Maria na Kanyang Mahal na Ina—ang biyayang taimtim kong ipinamamanhik sa iyo: (Banggitin ang iyong kahilingan dito)
Hinihiling ko ito alang-alang sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at sa kapakinabangan ng aking kaluluwa. Amen.
Santa Clara ng Assisi, ipanalangin mo kami.

Day 6 – Tapang
+ Santa Clara, kaibigan ni Hesus at banal na anak ng Simbahan,
tinuruan mo kaming mahalin si Hesus nang buong puso. Tulungan mo kaming maging mabait, madasalin, at mapagpakumbaba gaya Mo. Ilapit mo po ang aming panalangin sa Panginoon. Amen.
Mahal na Santa Clara, naging matapang ka kahit mahirap ang buhay mo.
Bigyan mo ako ng lakas ng loob para sundin si Hesus araw-araw.
Santa Clara, banal at mahimalang tagapamagitan, isinasamo ko sa iyo, na kamtin mo para sa akin—mula kay Hesus at sa pamamagitan din ni Maria na Kanyang Mahal na Ina—ang biyayang taimtim kong ipinamamanhik sa iyo: (Banggitin ang iyong kahilingan dito)
Hinihiling ko ito alang-alang sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at sa kapakinabangan ng aking kaluluwa. Amen.
Santa Clara ng Assisi, ipanalangin mo kami.

Day 7 – Paglilingkod
+ Santa Clara, kaibigan ni Hesus at banal na anak ng Simbahan,
tinuruan mo kaming mahalin si Hesus nang buong puso. Tulungan mo kaming maging mabait, madasalin, at mapagpakumbaba gaya Mo. Ilapit mo po ang aming panalangin sa Panginoon. Amen.
Mahal na Santa Clara, masaya mong pinagsilbihan ang mga mahihirap.
Turuan mo akong tumulong at maging mabuti sa iba.
Santa Clara, banal at mahimalang tagapamagitan, isinasamo ko sa iyo, na kamtin mo para sa akin—mula kay Hesus at sa pamamagitan din ni Maria na Kanyang Mahal na Ina—ang biyayang taimtim kong ipinamamanhik sa iyo: (Banggitin ang iyong kahilingan dito)
Hinihiling ko ito alang-alang sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at sa kapakinabangan ng aking kaluluwa. Amen.
Santa Clara ng Assisi, ipanalangin mo kami.

Day 8 – Pamilya
+ Santa Clara, kaibigan ni Hesus at banal na anak ng Simbahan,
tinuruan mo kaming mahalin si Hesus nang buong puso. Tulungan mo kaming maging mabait, madasalin, at mapagpakumbaba gaya Mo. Ilapit mo po ang aming panalangin sa Panginoon. Amen.
Mahal na Santa Clara, iniwan mo ang iyong pamilya para sundin si Hesus, pero nanatili pa rin sila sa iyong puso at isipan. Tulungan mo akong mahalin ang aking pamilya sa araw-araw.
Santa Clara, banal at mahimalang tagapamagitan, isinasamo ko sa iyo, na kamtin mo para sa akin—mula kay Hesus at sa pamamagitan din ni Maria na Kanyang Mahal na Ina—ang biyayang taimtim kong ipinamamanhik sa iyo: (Banggitin ang iyong kahilingan dito)
Hinihiling ko ito alang-alang sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at sa kapakinabangan ng aking kaluluwa. Amen.
Santa Clara ng Assisi, ipanalangin mo kami.

Day 8 – Pagmamahal kay Hesus
+ Santa Clara, kaibigan ni Hesus at banal na anak ng Simbahan,
tinuruan mo kaming mahalin si Hesus nang buong puso. Tulungan mo kaming maging mabait, madasalin, at mapagpakumbaba gaya Mo. Ilapit mo po ang aming panalangin sa Panginoon. Amen.
Mahal na Santa Clara, buong buhay mo ay inalay mo kay Hesus. Turuan mo akong buong puso Siyang mahalin hanggang sa dulo ng aking buhay.Â
Santa Clara, banal at mahimalang tagapamagitan, isinasamo ko sa iyo, na kamtin mo para sa akin—mula kay Hesus at sa pamamagitan din ni Maria na Kanyang Mahal na Ina—ang biyayang taimtim kong ipinamamanhik sa iyo: (Banggitin ang iyong kahilingan dito)
Hinihiling ko ito alang-alang sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at sa kapakinabangan ng aking kaluluwa. Amen.
Santa Clara ng Assisi, ipanalangin mo kami.
📚 Mga Sanggunian:
https://maryourhelp.org/novena-to-st-clare-of-assisi.html
https://catholicnovenaapp.com/novenas/st-clare-of-assisi-novena/