Gabay sa Panalangin para sa mga Yumao ng mga Pamilya

Tuwing Nobyembre 2, ginugunita ng Simbahang Katolika ang lahat ng mga yumaong Kristiyano. Inaanyayahan tayong alalahanin at ipagdasal ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw na, at humingi sa Diyos ng lakas at pag-asa para sa mga nagdadalamhati.

Sa Gabay sa Panalangin para sa mga Yumao, maaaring magsama-sama ang pamilya upang manahimik sandali, makinig sa Salita ng Diyos, at alalahanin ang pagmamahal, kabutihan, at mga aral na iniwan ng kanilang mga mahal sa buhay. Maaari ring magbahagi ang bawat isa ng magandang alaala, kung nais nila, at sama-samang ipagdasal ang mga yumao.

Ipinagkakatiwala natin sila sa habag ng Diyos at hinihiling na aliwin Niya ang mga naiwan. Nawa’y maging inspirasyon ang kanilang kabutihan upang patuloy tayong magmahal at gumawa ng mabuti.

Available ang gabay para i-print o i-download bilang JPG at PDF. 👇🏼

NilayGabay