Katolago Foundation, Inc.

Ano ang KatoLago?

“Hayaang lumapit ang mga bata sa Akin.” (Mateo 19:14)

Ang KatoLago ay hango sa pinaikling kataga na “Katolisismo ay Lalago.”

Sa KatoLago, masaya naming tinutulungan ang mga bata na lumapit kay Hesus araw-araw! Sa pamamagitan ng mga kwento, dasal, kanta, at makukulay na gawain, sama-sama nating pinalalago ang pusong punô ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.

Panalangin namin na sa pamamagitan ng aming mga gawain, matulungan naming mapalapit ang mga musmos kay Kristo at mapalago ang kanilang pananampalatayang Katoliko.

VISION

Hubugin ang mga bata sa Katolikong paniniwala at maging daluyan sila ng pagmamahal ng Diyos para sa kapwa.

MISSION

Isang Katolikong Simbahan na may malinaw na pagkakakilanlan at may puso sa paglilingkod tulad ni Hesus.

CORE VALUES

🔵 Ang halaga ng ating buhay ay naka-ugat sa ating Pananampalataya sa Diyos na Siyang pinagmumulan ng lahat ng bagay sa mundo.

🔵 Ang Diyos ang ating Pag-asa ng Kaligtasan, Kapayapaan, at Kasiyahan.

🔵 Laging naghahandog ng Pasasalamat sa Diyos, sapagkat kahit hindi tayo karapat-dapat sa Kanyang harapan, patuloy Niya tayong binibiyayaan.

🔵 Sa ating Pagkakawanggawa, tayo ay nagiging kamay at paa ng Diyos para sa ating kapwa. 

Libre ang pananampalataya. Misyon natin ang ipakilala ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo sa lahat. Misyon nating dalhin ang isa’t-isa sa harapan ng Panginoon sa pamamagitan ni Inang Maria, mga santo at mga martir para sa isang matatag at malagong Simbahang Katolika.

Layon ng KATOLAGOng palawakin ang misyong ito, na maging isang portal ng iba’t-ibang media katuwang ang simbahan at mga institusyon upang makapaghatid ng naaangkop na materyales para sa mga bata. Available din ang mga dasal, nobena, at mga buhay ng mga santo na maaaring idownload upang hikayating turuang magdasal ang mga bata.

May Liturgyfun, na may Sunday Gospel animation, katekesis ukol dito at activity sheet na tumutulong na maintindihan ng mga bata ang misa. Libre ang mga materyales at available ang mga ito sa wikang Filipino.

Mayroon ding mga librong pambatang nailathala na at libreng ipinamimigay sa mga parokya, paaralan at tahanan. Bukod sa Metro Manila ay nakarating na rin ito sa iba’t ibang probinsya at bansa tulad ng Hong Kong at Australia.

Magtulungan po tayo para akayin ang mga batang Katoliko at dalhin sila sa simbahan.

Mga KatoLaBOTS!

Ang KatoLago Foundation ay pinangangasiwaan ng mga KatolaBOT or Board of Trustees! 

Iba-iba ang mga propesyon at industriyang kinabibilangan ng ating mga KatolaBOT na binuklod ng Espiritu Santo para sa misyon ng Simbahang Katolika sa mga bata. Sila ay mula sa sektor ng simbahan, edukasyon, social work, mass media, arkitektura at komersyo.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa pagbibigay nila ng kanilang oras at natatanging kakayahan sa paghahatid ng Salita ng Diyos na may mas malawak na saklaw upang maabot ang mga batang higit na nangangailangan ng paghubog espirituwal mula sa simbahan.

Andrew Dela Cruz

Founder

Cherry Javier

Architect

Edlyn Burgonio

Social Worker

Fr. Niño Etulle, SCJ

Priest

Mariz Umali-Tima

Broadcast Journalist

Marlon De Jesus

Marketing Professional

Nine Ajon

Educator

Rem Valles

Accountant

Ricci Parto-Dela Cruz

Founder